Saturday, April 21, 2012

Nueva Ecija!!!

Pumunta ang tatay ko ngayon sa Nueva Ecija at hindi ako sumama. Yun yon e. Gusto ko sana pero parang may pumipigil sakin. Hindi ko alam kung ano. Ang gulo ng utak ko ngayong week na to. Straight! Feeling ko ngayon parang ang sama-sama ko tuloy. Kasi hindi man lang ako nag effort para makita yung mga pinsan ko at kamag-anak dun sa Nueva Ecija. E alam ko namang excited silang makita ako. Naks! Kapal ng mukha ko! Ilang taon naman na rin kasi akong hindi nakakabisita dun. At honestly, namimiss ko na yung lugar pati yung mga tao, syempre.

Ganito kasi ata yon, kung bakit hindi ako sumama. Pinagalitan ako ng tatay ko kagabi. Ako naman kasi may pagka sensitive ako. Mabilis ako magtanim ng galit sa isang tao. Pero hindi namumunga, hindi kasi namumulaklak. In short, mabilis akong magpatawad. Pero na naman, kagabi lang yun. Galit pa rin ako sa tatay ko!

At sa tingin ko kasi mabobored lang ako dun. As in NGANGA!!! Hindi kasi ako masalitang tao, kasi mahiyain ako. Lalo na dun sa mga taong hindi ko kilala at matagal ko ng hindi nakita. Kadalasan, hindi mo ko makikitang unang lalapit o kakausap sa kanila. Kaya madalas, hinahayaan ko na lang sila ang mag first move pero hindi ako snob na kapag kinausap mo ay hindi sasagot, sobrang approachable ako. Saka sabi ng nanay ko hindi ko raw pwedeng dalhin yung laptop at kung anu ano pang gusto kong dalhin. Kaya dinecide ko na lang na hindi sumama.

In summary, parehong parents ko ang may kasalanan kung bakit hindi ko makikita ang mga pinsan, lola, tita, at tito ko na sobrang namimiss ko na.

Sunday, April 8, 2012

Bat ako gumawa ng blogger account ko?

Alam ko wala namang interesado. Gusto ko lang sabihin dahil wala akong maisip na maipost.

So eto na. Ang first reason ko ay walang magawa. Wala talagang magawa. Bakasyon na kasi e. Ayaw ko namang nakahiga lang ako buong araw habang nanonood ng tv o kaya pelikula. Pangalawa, plano kong gawin itong parang diary. Isusulat ko lahat dito ang mga masasaya at malulungkot na pangyayari sa buhay ko. Pati school happenings. Pangatlo, gusto kong makakilala ng mga bagong kaibigan. Kung magkakaroon man ako ng mga readers, kakaibiganin ko sila. Mag-isang anak lang kasi ako. Malungkot. Lalo na kapag ganitong bakasyon o walang pasok, mag-isa lang ako sa bahay. So, ang inaasahan ko lang na company ay yung mga kaibigan ko, online man o offline, mga pinsan ko at saka si Emerald, yung aso namin na madalas din namang wala dahil pumupunta dun sa dati naming bahay. Pang-apat, uhmmm, nais ko ding magshare ng pieces of information at mga nalalaman ko tungkol sa buhay at iba pa. Gusto ko ring makapagbigay ng komento o opinyon ng malaya tungkol sa mga bagay-bagay at mga isyung napapanahon. At panglima, wala na! Wala na kong maisip. Hahaha!!!