Sunday, April 8, 2012

Bat ako gumawa ng blogger account ko?

Alam ko wala namang interesado. Gusto ko lang sabihin dahil wala akong maisip na maipost.

So eto na. Ang first reason ko ay walang magawa. Wala talagang magawa. Bakasyon na kasi e. Ayaw ko namang nakahiga lang ako buong araw habang nanonood ng tv o kaya pelikula. Pangalawa, plano kong gawin itong parang diary. Isusulat ko lahat dito ang mga masasaya at malulungkot na pangyayari sa buhay ko. Pati school happenings. Pangatlo, gusto kong makakilala ng mga bagong kaibigan. Kung magkakaroon man ako ng mga readers, kakaibiganin ko sila. Mag-isang anak lang kasi ako. Malungkot. Lalo na kapag ganitong bakasyon o walang pasok, mag-isa lang ako sa bahay. So, ang inaasahan ko lang na company ay yung mga kaibigan ko, online man o offline, mga pinsan ko at saka si Emerald, yung aso namin na madalas din namang wala dahil pumupunta dun sa dati naming bahay. Pang-apat, uhmmm, nais ko ding magshare ng pieces of information at mga nalalaman ko tungkol sa buhay at iba pa. Gusto ko ring makapagbigay ng komento o opinyon ng malaya tungkol sa mga bagay-bagay at mga isyung napapanahon. At panglima, wala na! Wala na kong maisip. Hahaha!!!


4 comments:

  1. o ha, ako ang first commenter mo! good luck sa bago mong libangan. nawa'y magtagumpay ka sa iyong hangarin! blogenrol! \m/

    ReplyDelete
  2. Hi! Right decision ang pag-gawa ng blog. Nakakalibang nga ang mag-blog. Welcome Jayson! See you around the blogosphere. :)

    ReplyDelete
  3. sulat pa! masarap magsulat! at masarap magbasa sa sulat ng iba. sulat ka pa ser!

    ReplyDelete